/
Pag-aaral ng Relihiyon
Save to my account
Sign up
Pag-aaral ng Relihiyon
Pag-aaral ng Relihiyon
Study
1
Question
Paano pinag-aaralan ng mga antropologo ang relihiyon?
Answer
Pinag-aaralan ng mga antropologo ang relihiyon bilang bahagi ng mas malawak na kultura ng pamayanang kinapapalooban nito, na nakatuon sa paglalarawan sa relihiyon bilang isang aspekto ng kultura.
2
Question
Ano ang tuon ng sikolohikal na pag-aaral ng relihiyon?
Answer
Nakatuon ang sikolohikal na pag-aaral ng relihiyon sa pag-unawa sa damdamin, pag-iisip, at pagnanasa ng indibiduwal kaugnay ng karanasan nito sa relihiyon.
3
Question
Paano inilalarawan ang teolohikal na dulog sa pag-aaral ng relihiyon?
Answer
Tumutukoy ang teolohikal na dulog sa pag-aaral ng relihiyong Kristiyano at iba pang relihiyon mula sa punto-de-bistang Kristiyano, kung saan maaaring atupagin ang pagiging tama o mali ng mga relihiyon alinsunod sa pamantayan ng mga Kristiyano.
4
Question
Ano ang binibigyang pansin sa historikal na pag-aaral ng relihiyon?
Answer
Sa historikal na pag-aaral ng relihiyon, pinag-aaralan ang unti-unting paglago ng relihiyon sa agos ng panahon, mula sa pagiging payak tungo sa pagiging mas masalimuot, at sinusubaybayan ang mga pagbabagong pinagdadaanan ng relihiyon kaugnay ng mga pagbabago ng lipunang kinapapalooban nito.
5
Question
Sino si Arnold Toynbee?
Answer
Isa sa pinakatanyag na Kanluraning historyador ng ikadalawampung dantaon. Naglingkod bilang Director of Studies sa Royal Institute of International Affairs, at Research Professor of International History sa University of London. May-akda ng humigit kumulang 50 aklat at lagpas 100 artikulo. Pinakakilala siya sa kanyang 12-tomong kasaysayang pandaigdig na A Study of History.
6
Question
Magbigay ng ilang halimbawa ng mga akda ni Arnold Toynbee.
Answer
Ang kanyang pinakatanyag na akda ay ang 12-tomong kasaysayang pandaigdig na A Study of History.
7
Question
Ukol saan ang aklat ni Arnold Toynbee na An Historians Approach to Religion?
Answer
Ang aklat ay isang pagtatangka na ilarawan, hindi ang personal na relihiyon ng may-akda, kundi ang sulyap ng Uniberso na nakikita ng kanyang mga kapwa historyador mula sa punto de bista na kanilang narating sa pamamagitan ng pagsunod sa propesyonal na landas ng isang historyador.
8
Question
Ano ang Gifford Lectures?
Answer
Ito ay isang prestihiyosong pagtitipon kung saan iniimbitahang magsalita ang mga pinakaprominenteng iskolar sa buong mundo.
9
Question
Ayon kay Toynbee, ano ang kapookan ng kanyang akda?
Answer
Kanluraning Kristiyanismo
10
Question
Ayon kay Toynbee, anu-ano ang tatlong sentro o obheto ng pagsamba ng tao?
Answer
Kalikasan, Tao, at Kataas-taasan
11
Question
Bakit sumasamba ang mga tao sa kalikasan ayon kay Toynbee?
Answer
Dahil sa labis na pagkatakot at pagkamangha ng tao sa kalikasan, lalo na noong hindi pa niya ito napapailalim sa kanyang kapangyarihan.
12
Question
Kailan nagsimulang bumagsak ang pagsamba sa kalikasan ayon kay Toynbee?
Answer
Sa huling bahagi ng yugtong Paleolitiko (h.k. 8000 B.K.), nang umunlad ang teknolohiya ng tao at unti-unti nilang napailalim sa kanilang kapangyarihan ang kalikasan.
13
Question
Bakit tumigil ang malawakang pagsamba sa kalikasan ayon kay Toynbee?
Answer
Dahil likas sa tao ang hindi pagsamba sa anumang bagay na itinuturing nitong mas mababa kaysa sa kanyang sarili.
14
Question
Ayon sa Z Library, ano ang dalawang salita na pinakamadalas na mabanggit sa aklat ni Toynbee at ilang beses ito nabanggit?
Answer
Ang salitang "western" ay nabanggit ng 584 beses, samantalang ang "christian" ay 312.
15
Question
Bakit naghahandog ng alay ang mga tao sa kalikasan?
Answer
Upang makuha ang pabor ng kalikasan hal. masaganang ani at makaiwas sa galit nito hal. lindol, baha.
16
Question
Ano ang tatlong kategorya ng tao na sinamba ng tao?
Answer
1. Kaharian (Parochial State), 2. Imperyo (Oecumenical Community), 3. Pilosoper (Self-Sufficient Individual)
17
Question
Magbigay ng halimbawa ng kaharian na may personipikasyon ng diyos.
Answer
Athens (Athena), Babylonia (Marduk), Roma (Romulus), Ehipto (Amon-Ra)
18
Question
Bakit mas mapangwasak ang pagsamba sa tao sa anyo ng kaharian kaysa sa pagsamba sa kalikasan?
Answer
Dahil humahantong sa digmaan ang mga tagasamba ng iba't ibang diyos na personipikasyon ng mga kaharian.
19
Question
Ano ang alternatibong nahanap ng tao sa pagsamba-sa-kaharian?
Answer
Ang pagsamba-sa-imperyo.
20
Question
Magbigay ng halimbawa ng imperyo na may personipikasyon ng diyos.
Answer
Dea Roma para sa Imperyong Romano, Augustus bilang Divus Caesar
21
Question
Ano ang isang kahinaan ng imperyo bilang obheto ng pagsamba?
Answer
Masyadong malawak ang imperyo kumpara sa mga kaharian, kaya mas impersonal ito.
22
Question
Ano ang itinuturo ng mga pilosoper?
Answer
Pagsamba sa indibiduwal.
23
Question
Ano ang pagsamba-sa-pilosoper?
Answer
Ang pagsamba-sa-pilosoper ay nakasentro sa isang tao, sa mismong pilosoper, o sa sarili ng indibiduwal na sumusunod sa katuruan ng pilosoper.
24
Question
Magbigay ng ilang halimbawa ng mga prominenteng pilosoper.
Answer
Zeno, Epicurus, Socrates, Confucius, at Buddha.
25
Question
Ano ang ginawa ni Asoka?
Answer
Nagtataguyod ng Buddhismo sa Dinastiyang Maurya.
26
Question
Ano ang ginawa ni Marcus Aurelius?
Answer
Nagtataguyod ng Stoicism sa Roma.
27
Question
Ano ang tuon ng mga nakatataas na relihiyon?
Answer
Ang pagsamba-paghanap sa Kataas-taasan ang tuon ng lahat ng mga nakatataas na relihiyon tulad ng Zoroastrianismo, Judaismo, Kristiyanismo, Islam, Buddhismo, Hinduismo, at iba pa.
28
Question
Kailan umusbong ang mga nakatataas na relihiyon?
Answer
Noong panahon na unti-unti nang gumuguho ang mga lipunang kanilang kinabibilangan dahil sa kaliwat kanang digmaan dulot ng pagsamba-sa-kaharian/imperyo.
29
Question
Magbigay ng halimbawa kung paano umusbong ang Judaismo, Kristiyanismo, at Mahayana Buddhism.
Answer
Ipinanganak ang Judaismo noong panahon na sinasalakay ng Assyria ang Israel. Umusbong ang Kristiyanismo sa gitna ng pagkaapi ng Israel sa kamay ng imperyong Romano. Ang Mahayana Buddhism ay lumitaw noong panahon na sinasalakay ng mga Griego at mga nomadiko mula Gitnang Asya ang India.
30
Question
Ano ang isa sa mga dahilan ng pag-usbong ng mga nakatataas na relihiyon?
Answer
Ang pagkadisilusyon ng tao sa lipunan na puno ng gulo dahil sa idolatriya ng pagsamba-ng-tao-sa-sarili.