/
LEKSYON 2: FIL113 MIDTERMS
Save to my account
Sign up
LEKSYON 2: FIL113 MIDTERMS
Untitled Deck
Study
1
Question
itinuturing na isang kwentong bayan na nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang isang bagay
Answer
ALAMAT
2
Question
ano ano ang mga uri ng ALAMAT?
Answer
Alamat ng Pook Alamat ng Pangyayari Alamat ng Bagay
3
Question
tumutukoy sa pinagmulan ng isang lugar.
Answer
ALAMAT NG POOK
4
Question
tumutukoy sa pinagmulan ng mga mahahalagang okasyon.
Answer
ALAMAT NG PANGYAYARI
5
Question
tumutukoy sa pinagmulan ng mga bagay
Answer
ALAMAT NG BAGAY
6
Question
kadalasang kathang- isip at nagpasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.
Answer
ALAMAT
7
Question
ano ano ang elemento ng alamat?
Answer
Tauhan Tagpuan Saglit na kasiglahan Tunggalian Kasukdulan Kakalasan Katapusan
8
Question
ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa.
Answer
TAUHAN
9
Question
inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.
Answer
TAGPUAN
10
Question
ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
Answer
SAGLIT NA KASIGLAHAN
11
Question
ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
Answer
TUNGGALIAN
12
Question
ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Answer
KASUKDULAN
13
Question
ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
Answer
KAKALASAN
14
Question
ito ang bahaging naglalahad ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Answer
KATAPUSAN
15
Question
isang uri ng akdang pampanitikan kung saan ang mga hayop o mga bagay na walang buhay ang siyang mga tauhan sa kwento.
Answer
PABULA o fable
16
Question
ano ano ang mga elemento ng pabula?
Answer
Tauhan Tagpuan Banghay Aral
17
Question
mga hayop ang gumaganap sa kuwento.
Answer
TAUHAN
18
Question
tumutukoy sa oras, panahon, at lugar na pinagganapan ng kuwento.
Answer
TAGPUAN
19
Question
ito ang kabuuang pangyayari ng kuwento.
Answer
BANGHAY
20
Question
mahahalagang matututunan ng mambabasa sa kaniyang binasa.
Answer
ARAL
21
Question
Nagbibigay rin ito ng aral sa buhay.
Answer
PABULA
22
Question
magbigay ng halimbawa ng alamat?
Answer
Alamat ng Ampalaya
23
Question
magbigay ng halimbawa ng alamat at pabula?
Answer
Alamat ng Bayabas Ang Daga at ang Leon
24
Question
tinatawag ding talinhaga, ito ay mga maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya
Answer
PARABULA
25
Question
Isang anyo ito ng paglalahad na kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuru- kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. Isa rin itong paraan ng pakikipagtalastasan na naglalayong maipabatid ang saloobin hinggil sa isang paksa.
Answer
SANAYSAY
26
Question
ayon sa kanya ang sanaysay ay maaaring mabatid ang estilo ng manunulat. Malalaman din kung seryoso ang kaniyang kaisipan, palagay, damdamin, at reaksyon sa buhay., pigil, masalita, kahanga-hanga, at kaibig- ibig.
Answer
RUBIN, 1995
27
Question
ano ang sanaysay sa ingles?
Answer
ESSAY
28
Question
2 uri ng sanaysay?
Answer
1) Pormal o maanyo 2) Impormal o personal
29
Question
uri ng sanaysay kung saan seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang paglalahad at lumalayo sa katauhan ng manunulat. Sa sanaysay na ito, dapat may lohikal na paglalahad ng kaisipan o may maayos na balangkas.
Answer
PORMAL
30
Question
uri ng sanaysay kung saan nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindi seryoso ang pagkakalahad ng paksa. Tinatawag din itong malayang sanaysay.
Answer
IMPORMAL