/
01_Handout_15-merged.pdf Flashcards
Save to my account
Sign up
01_Handout_15-merged.pdf Flashcards
01_Handout_15-merged.pdf Flashcards
Study
1
Question
Ano ang Pagsulat?
Answer
Ang pagsulat ay ang pagsalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapa gsasalinan ng mga nabuong salita simbolo larawan ng tao o grupo ng tao sa layuning maipa hiwatig ang kanyang kaisipan (Mendoza Romero 2013).
2
Question
Ano ang mga Katangian ng Pagsulat ayon kay Cruz et al 2010?
Answer
Ang wastong pagsulat ay kinakapalooban ng mga katangian: a) Malinaw, b) Wasto, c) Astetiko, d) Maayos.
3
Question
Ano ang Teorya?
Answer
Ang teorya ay grupo ng mga konsepto na binuo upang maipaliwanag ang mga pangyayari na hindi pa hustong napag-aaralan. Kinakailangang ito ay may ebidensiya at sapat na katibayan upang mapagnilayan nilayan (Engler 2014).
4
Question
Ano ang Teknikal na Pagsusulat?
Answer
Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya, medisina, batas, resipi sa pagluluto, siyensiya o agham at bokasyunal (Cruz et al 2010).
5
Question
Ano ang mga uri ng Teknikal na Pagsusulat?
Answer
Mga batas na nilalathala, mga dyornal pangmedikal, resipi ng pagkain, iitiketa ng gamot, instruksyon ng mga gamit.
6
Question
Bakit itinuturing na teknikal na lathalain ang isang resipi ng pagkain?
Answer
Dahil ito ay kinapapalooban ng pag-aaral at pananaliksik lalo na sa timbang at dami ng rekados na gagamitin.
7
Question
Ano ang mga uri ng Dyornalistik na Pagsusulat?
Answer
Pahayagan, anunsyo, tabloid.
8
Question
Ano ang Akademik na Pagsusulat ayon kay Mendoza Romero 2012?
Answer
Ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito ay maaari ding tawagin na intelektwal na pagsulat. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang tesis, pamanahong papel, ulat pang laboratoryo at iba pa.
9
Question
Ano ang mga katangian ng Akademik na Pagsusulat?
Answer
May sinusunod itong istrikton ng kumbensyon at kadalasan ito ay isinasailalim sa masusing pagbabatikos mula sa mga eksperto. Ito ay ginagawa upang maisaayos ang datos, impormasyon at nilalaman ng sulatin. Dumadaan ito sa defense.
10
Question
Ano ang mga konsepto ng akademikong pagsusulat?
Answer
1) Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar. 2) Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad.
11
Question
Ano ang Teknikal Bokasyunal na Sulatin?
Answer
Ang teknikal bokasyunal na pagsulat ay may kinalaman sa larangan ng agham, teknolohiya, kalusugan, inhenyera at iba pa.
12
Question
Ano ang katangian ng sulating teknikal?
Answer
Ang mga sulating teknikal ay may katiyakan sa nilalaman at eksakto ang datos at impormasyon. Kinapapalooban ito ng mataimtimang pagsisiyasat at pagsasaliksik, at dapat lang sakto at tama ang mga proseso na isinasaad dito.
13
Question
Ano ang gamit ng teknikal bokasyunal na sulatin?
Answer
1) Bilang batayan sa desisyon ng mga ehekutibo at mga may-ari ng mga pribadong kumpanya. 2) Bilang batayan sa desisyon ng mga ehekutibong pulitiko at mambabatas sa gobyerno. 3) Pagbibigay ng tagubilin at proseso. 4) Magpaliwanag ng pamamaraan ng paggamit. 5) Bilang anunsyo. 6) Ipagbigay alam ang makabagong produkto. 7) Ipagbigay alam ang mga serbisyo ng isang indibidwal, kumpanya o gobyerno. 8) Makalikha ng proposal.
14
Question
Ano ang mga katangian ng teknikal bokasyunal na sulatin?
Answer
a) Higit na naglalaman ng impormasyon b) Walang bahid ng emosyon c) May sinusunod na proseso d) Gumagamit ng deskripsyon ng mekanismo e) Gumagamit ng sanhi at bunga f) May katangiang maghambing at pumuna ng pagkakaiba g) May kakayahang magbigay ng interpretasyon
15
Question
Bakit mahalaga ang teknikal bokasyunal na pagsusulat?
Answer
Importante ang teknikal bokasyunal na pagsusulat para sa malinaw na komunikasyon ng impormasyon sa mga mambabasa.
16
Question
Ano ang dapat taglayin ng teknikal na lathalain?
Answer
Ang teknikal na lathalain ay dapat lamang na tiyak, may tuon, sigurado, at hitik sa impormasyon.
17
Question
Ano ang papel ng isang manunulat ng teknikal na lathalain?
Answer
Ang manunulat ng teknikal na lathalain ay may kakayahan gumamit ng mga salitang maiintindihan ng karamihan at gawin itong kaaya-aya para sa mga mambabasa.
18
Question
Ano ang mga mahahalagang elemento ng isang sulating teknikal bokasyunal?
Answer
Ang pahina, disenyo, bullet points, disenyo ng font, laki ng font, mga larawan, diagram, charts, at iba pa.
19
Question
Ano ang kahulugan ng flyer ayon sa Aart Design 2013?
Answer
Ang flyer ay matatawag ding handbill o leaflet, karaniwang nakalathala sa isang kapirasong papel na may karaniwang sukat na 8 x 11.
20
Question
Ano ang dalawang uri ng flyer?
Answer
a) Business Flyer - ginagamit sa paglulunsad ng isang produkto o serbisyo, ipinakilala rin ang kumpanyang naglunsad nito. b) Club Flyer.
21
Question
Ano ang halimbawa ng flyer at coupon na ibinibigay ng fastfood restaurants?
Answer
Ang mga gift certificates at coupons ay isang uri ng flyer at coupon na epektibo sa paglulunsad ng mga diskwento at promotional na pagkain.
22
Question
Ano ang pinagkaiba ng flyers, brochures, leaflets, pamphlets, at newsletters?
Answer
Ang mga ito ay iba't ibang uri ng marketing materials na may kani-kaniyang layunin at anyo.
23
Question
Saan maaaring makahanap ng impormasyon tungkol sa environmental footprint?
Answer
Sa Cambridge Dictionary Online 2015.
24
Question
Saan kinuha ang impormasyon tungkol sa pagkakaiba ng flyers at brochures?
Answer
Mula sa AArt Design 2013, na na-retrieve noong June 3, 2015.